Binigyang linaw ng Department of National Defence na hanggang sa ngayong ay hindi pa gumugulong ang peace talk sa pagitan ng pamnahalaan at rebendelng grupo na CPP-NPA-NDF.
Ginawa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa naging pagdalo nito sa isinagawang Armed Forces of the Philippines Leadership Summit 2023.
Ayon sa kalihim, ang napapag-usapan pa lamang ay exploratory talks ng dalawang kampo.
Hanggat wala pa aniyang peace talk sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo, magpapatuloy pa rin ang isasagawang enforcement operations ng kasundaluhan laban sa CPP-NPA-NDF.
Tuloy-tuloy aniya ang operasyon na ito upang supilin ang mga rebelde na nagiging banta sa kaligtasan at katahimikan ng mamamayang Pilipino.
Ayon naman sa AFP, target nilang tapusin ang communist armed conflict ngayong taon dito sa bansa.
Una rito ay sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi siya pabor na isuspende ang Military Operations laban sa mga miyembro CPP-NPA-NDF ngayong kapaskuhan.