-- Advertisements --
Muli na namang nagpakawala ang North Korea ng dalawa missile projectiles ngayong araw matapos nitong tawagin na “bastos” si South Korean leader Moon Jae-In.
Ito ay matapos mag-protesta ng naturang bansa sa isinagawang joint military force ng South Korea kasama ang Estados Unidos na nagsimula noong nakaraang linggo.
Nangako rin ang North Korea na walang magaganap na peace talks sa pagitan nila ng South Korea.
Pinagbintangan din ng North Korea na nag-eensaya na umano ang dalawang bansa para maghasik ng gyera laban sa kanila.
Hindi naman nakakakita ang Japan’s defence ministry ng kahit anong banta sa seguridad matapos ang pagpapakawala ng dalawang missiles.