-- Advertisements --

Muling papalawigin ng United Nations Security Council ang kanilang peacekeeping mission sa Lebanon.

Nakakuha ng unanimous voting ang pagpapalawig ng isang taon subalit nais ng US na magkaroon ng pagbabago ng mandato sa operasyon sa mga susunod na taon.

Ang UN Interim Force in Lebanon (UNIFIL) na inilunsad noong 1978 ay siyang nagpapatrolya sa southern border ng Lebanon at Israel.

Taunan itong nirerenew kung saan nakatakda na itong mag-expire sa Agosto 31.

Nagpasalamat si Deputy UN Ambassador to Lebanon Hadi Hachem dahil patunay na nais ng international community ng pagsusulong kapayapaan sa bansa.