-- Advertisements --

Malabo na muling buksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinto para sa usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa ngayon ay walang balak ang pangulo na isulong muli ang peacetalks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng suspension of military operation (SOMO) ng pamahalaan laban sa rebelde.

Ayon sa kalihim, ang Pangulong Duterte ang nagdesisyon na magpatupad ng ceasfire ngayong Christmas season, dahil kung siya umano ang masusunod ay ayaw niyang magdekalara ng ceasefire.

“Listening to the president sabi nya no peacetlaks muna, the somo suspension of military operations unilateral, thats the decision of the president in fact di naman ako nag recommend nyan I did not want to have it pero sabi nya sige bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga tropa na maka spend ng Christmas sa mga families nila so thats why sige sir we will abide by the directive of the president,” wika ni Lorenzana.

Pero nilinaw naman ng kalihim na ang ceasefire ay idineklara ng pangulo para makapagpahinga ang mga sundalo at makauwi sa kanilang mga pamilya ngayong Pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Ang idineklarang ceasefire ng pamahalaan ay mula alas-6:00 ng gabi sa December 23 hanggang alas-6:00 ng gabi ng December 26 at Mula alas 6:00 ng gabi sa December 30 hanggang alas 6:00 ng gabi ng January 2,2018.