-- Advertisements --
Lalo pang pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa mga pantalan sa buong bansa, makaraang pumalo na sa peak o pinakamataas na bilang ng pasahero ang kanilang na-monitor.
Sa record ng PCG, nasa 112,000 kahapon ang mga byahero, habang 118,000 naman ang bumuhos kagabi.
Pinakamarami ang naitala sa Central Visayas na mayroong 20,167; sinusundan ng Southern Tagalog na umaabot sa 18,871 at Western Visayas na may 18,219 pasahero.
Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo sa panayam ng Bombo Radyo, wala pa naman silang natanggap na major incident mula nang bumuhos ang maraming tao para sa lenten break.
Inaasahang muling bubuhos ang mga tao sa Linggo at Lunes, para makabalik sa major cities ang mga bakasyunista.