-- Advertisements --

Inanunsiyo ng American rockband na Pearl Jam ang paglabas ng kanilang bagong studio album.

Sa kanilang social media account ay sinabi nila na ilalabas sa Abril 19 ang album na “Dark Matter”.

Ito na ang pang-12 na studio album ng banda na ang huli ay noong 2020 ng ilabas nila ang “Gigaton” Album.

Kasabay din nito ay magsisimula sa buwan ng Mayo ang kanilang world Tour sa Vancouver, British Columbia.

Inirecord ang album noong Enero 31 sa pamumuno ng mga miyembro na sina Singer Eddie Vedder, 59-anyos, lead guitarist Mike McCready, 57-anyos, at bassist Jeff Ament, 60.