ILOILO CITY – Nakabayad na ang Panay Electric Company ng tax liability sa Iloilo City Government.
Ito ang kasunod ng isinagawang closed door meeting kahapon sa pagitan nina Iloilo City Mayor Jerry Treñas at ni Marcelo Cacho, administrative Manager ng Panay Electric Company.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Estrella Elamparo, legal counsel ng Panay Electric Company, kinumpirma nito na nitong Biyernes, nagbayad na ng tax liability ang kompanya bilang pagtalima sa batas.
Hindi na idenitalye ni Elamparo kung magkano ang binayaran ng kompanya ngunit ayon sa kanya, natanggap na ito ng Iloilo City Government.
Dahil dito ayon kay Elamparo, hindi na maisasama sa auction na gaganapin sa Disyembre 12 ang assets ng kompanya.
Napag-alaman na ayon sa inisyal na impormasyon galing sa Iloilo City Govenrment, umaabot sa P134 million ang dapat bayaran ng Panay Electric Company.