-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. abot na sa 580 ang mga kabataang edad 12-17 ang nababakunahan.

Mula ito sa mga Barangay ng Poblacio, Osias, at Kayaga.

Ayon kay Mayor Guzman, bagamat nakakabahala na pabakunahan ang mga kabataan ay andoon parin ang pagnanais ng bawat isa na mawakasan na ang covid-19 na nagpatigil sa mundo.

Paalala pa nito na kailangang dalhin ng mga bata ang kanilang mga magulang kalakip ang PSA birth Certificate upang mabakunahan.

Inaasahan naman na madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw. Bukas, November 11 tutungo ang team sa Brgy. Upper Paatan at Aringay upang magkaloob ng mga bakuna katuwang ang Rural Health Unit ng LGU.

Maliban sa bakunang covid-19, nagpapatuloy parin ang pagbibigay ng bakuna sa mga bata para naman sa community based immunization.

Matatandaang nitong November 8, 2021 nagsimula ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan.