-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Isinailalim sa lockdown ang Kalinga Provincial Hospital (KPH) pediatric department.

Batay sa report, epektibo ang lockdown sa loob ng 10 araw mula Disyembre 3 hanggang Disyembre 12.

Ayon sa pagamutan, isinasagawa ang lockdown pagkatapos magpostibo sa COVID-19 ang isang pasyente nito.

Inihayag ng Provincial Health Office na isinailalim sa swab test ang 41 na health personnel na nakasalamuha ng pasyente.

Inaasahang ilalabas ang resulta ng test ng mga personnel ngayong linggo.

Bilang bahagi ng health protocol, sinuspendi ng KPH management ang out-patient consultation sa loob ng limang araw maliban lamang sa mga emergency cases habang naging limitado din ang konsultasyon sa OB-Gyne.

Una nang isinailalim sa total lockdown sa loob ng 15 araw ang buong bayan ng Tinglayan, Kalinga dahil sa mataas na kaso ng nasabing virus.

Sa ngayong, mayroong 394 na kaso ng COVID-19 sa buong Kalinga, 204 ang mga gumaling na, 84 ang mga aktibo at isa ang nasawi.