-- Advertisements --
VICENTE ANG

ILOILO CITY- Naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) ang isang pedicab driver upang muling makatunggali sa pagka-alkalde si incumbent Iloilo City amayor Jerry Treñas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vicente Ang, 61-anyos at pinakaunang political aspirant na naghain ng CoC sa Iloilo City-Comission on Elections (Comelec) office, sinabi nitong tumakbo siya noong 2004 sa pagka-alkalde laban din sa nanalong si Treñas.

Ayon kay Ang, ang nagtulak sa kanya upang kumandidato ay ang hangad nitong matuloy ang pagpapatayo ng tulay na kokonekta sa Iloilo at Guimaras.

Aniya, ito ang magiging susi para sa mas maraming foreign investments at marami ang mabibigyan ng trabaho.

Nilinaw naman nito na wala siyang problema sa pag-iisip salungat sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya.