-- Advertisements --
covid 1
Pasay City Case

Nagpasya ang City government ng Pasay na isailalim sa rapid testing ang lahat ng mga tricycle drivers, pedicab driver, vendors maging ang mga mamamahayag.

Ito ay matapos na mayroong 756 na kumpirmadong kaso ang naitala sa nasabing lungsod kung saan 41 dito ang nasawi.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, na sa nasabing paraan ay para matiyak na hindi na aakyat pa ang nasabing kaso ng coronavirus.

Base sa nasabing talaan nila na ilan sa mga nagpositibo ay mga pedicab at tricycle driver.

Tiniyak din nito na sapat ang kanilang pasilidad para paglagyan ang mga nagpositibo ng nasabing virus.