-- Advertisements --

DAVAO CTIY – Arestado ang isang nagpakilalang CPA-Lawyer sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Davao City sa Kunisawa Apartment, Durian St., Sr. San Roque, Daliao Davao City.

Inihayag ni Police Major Milgace Cajes Driz, team leader ng Criminal Investigation and Detection Group-Davao City na alas 8:45 kaninang umaga ikinasa nila ang naturang operasyon kung saan matamgumpay na nahuli ang suspect na nakilalang si Juvern Reyes Garcia, 40 anyos residente ng Toril, Davao City.

Aktong nahuli si Garcia na tumanggap ng pera mula sa complainant na si Juvy dela Pena Furui bilang bayad umano para sa processing ng petition for the recognition of a foreign judgment of doivorce na nagkakahalaga ng P42,000.00.

Nakuha rin mula sa posisyon ng suspect ang mga drug paraphernalia at isang fake ID ng PRC.

Sa ginawang imbestigasyon ng CIDG-Davao City nalaman na hindi totoong miembro ng Integrated Bar of the Philippines ang suspect at kaduda-duda rin ang dala-dala nitong ID bilang certified public accountant.

Nalaman rin na na-una nang nakapagbigay ang complainant ng 12,000 sa suspect.