Arestado ang isang indibidwal na nagpanggap na empleyado ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Las Pinas City.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, PMGen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Elmer Lat,42-anyos, residente ng Pasay City.
Ang nasabing operasyon ay nag-ugat sa nakuhang confidential information na ipinapakilala ng suspek ang sarili na empleyado ng DILG at ginagamit ang armas nito para sa kaniyang illegal drug activities.
Siniguro naman ni Eleazar na lalo pa nilang pinalakas ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Nahuli ang suspek sa aktong nagbebenta ng iligal na droga.
Nakuha din sa suspek ang nasa 10 gramo ng shabu na may street value na Php 68,000.00, mga drug paraphernalia, motorcycle, handgun, black jacket na may DILG logo at PNP Bullring na may PSBRC Batch 2002 logo.
Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng suspek partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Usurpation of authority (Art 177 and 179 of RPC).