Hindi makakakapekto sa mga kasong inihain laban kay suspended Mayor Alice Guo ang kamakailang findings ng National Bureau of Investigation kaugnay sa pekeng pagkakakilanlan ng alkalde matapos tumugma ang kaniyang fingerprints sa Chinese national na si Guo Hua Ping ayon sa Department of Justice.
Saad pa ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na naghain na sila ng criminal charges laban kay Alice Guo at mayroon na aniyang pag-uusap sa kaniyang pekeng pagkakakilanlan.
Sakali man aniya na mapatunayang stolen identity ang ginagamit ngayong ng suspendidong alkalde, magkakaroon ito ng iba pang liability o pananagutan.
Una rito, una ng ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na kinumpirma ng National Bureau of Investigation na iisang tao lang si Mayor Guo at Guo Hua Ping kasunod ng finding na tumugma ang kanilang fingerprints.
Samantala, sinabi ni ASec. Clavano na hindi maaaring ipadeport si Guo dahil nakasuhan na ito ng mga kasong kriminal dito sa bansa.