Arestado ng National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) ang isang indibidwal dahil sa illegal na panggagamot nito sa Cebu City.
Ayon sa NBI, CEVRO, naaresto ang indibidwal sa isang entrapment operation sa Lahug, Cebu City sa kasong illegal practice of medicine na nakapaloob sa Medical Act of 1959 at umano’y swindling at estafa sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang mga awtoridad na nagsagawa ng proceduce ang naturang indibidwal at may in-inject ito sa mukha ng complainant noong July 15, na nagresulta sa pamamaga at infection.
Matapos ang infection, paulit-ulit umanong nag-reached out ang complainant sa pekeng physician pero blinock na siya nito online.
Ayon sa nagrereklamo, nakilala niya ito sa isang sikat na online app na nagpakilala naman na lisensyado.
Gayupaman, kinumpirma ng NBI na ang nasabing indibidwal ay hindi totoong physician.