-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na hindi niya sasantuhin ang mga magpupuslit ng pekeng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test result.
Ito ay kasunod ng pagpuslit ng isang residente ng lungsod ng pekeng RT-PCR test mula sa National Capital Region (NCR).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na ang nasabing residente ay nagmula sa NCR at nang dumating siya sa Iloilo International Airport, nagpakita ito ng pekeng RT-PCR test.
Tiniyak naman ng alkalde na sasampahan nito ng kaukulang kaso ang nagpuslit ng pekeng RT-PCR test upang hindi na pamarisan pa.