-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala ang Western Visayas Medical Center sa publiko sa mga pekeng RT-PCR test results na may logo ng nasabing ospital at ng Department of Health.

Ipinakita ng Western Visayas Medical Center ang sample ng “fake result” kung saan may pirma ito ng mga nagngangalang Arraine Sibal, Abigail Joy Pastolero, Andres Miranda, at Pierre G. Layson.

Ayon sa ospital, hindi empleyado ng Western Visayas Medical Center ang mga nasabing personalidad.

Nananawagan ngayon ang WVMC sa publiko na kaagad i-report sa otoridad kung may malaman o makitang nagbibigay ng mga pekeng resulta ng RT-PCR test.