-- Advertisements --
Arestado ang mag-asawang nagpapatakbo ng isang negosyong gumagawa ng mga pekeng plaka ng sasakyan.
Nadiskubre ng mga miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang lugar sa V. Luna sa Quezon City kung saan maaaring maka-avail ng mga plaka ng sasakyan gayundin ang mga pekeng Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng mga sasakyan.
Sa operasyon, ibinenta ng mag-asawa ang pekeng OR-CR at plaka ng sasakyan sa pulisya, na nagpanggap na buyer sa halagang P60,000.
Nakumpiska naman sa naturang tindahan ang mga ebidensya gaya ng pekeng Official Receipt at Certificate of Registration.
Nahaharap sa kasong carnapping ang mga suspek na sina Guerero at Rowena