Nagposte ang Small Guard ng OKC na si Josh Giddey ng halos tripple-double performance na 31 pts, 10 assissts, at 9 rebounds sa 42 mins na kanyang paglalaro.
Nagbuhos din si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points, samantalang ang kanilang Small Forward na si Luguentz Dort ay nagpasok ng 27 pts.
Para sa Pelicans, nasayang ang double-double performance ng kanilang center na si Jonas Valanciunas na 16pts 18 rebounds, kasama na ang 30 pts mula kay Brandon Ingram.
maganda ang naging laro ng Pelicans dahil sa lima sa kanila ang kumamada ng double-digit score, ngunit hindi pa rin nakayang idomina ang mga batang Thunder sa pangunguna ni Alexander.
Sa naging kabuuan ng laro, nakaya ng OKC na higitan ang shooting performance ng Pelicans.
Makakalaban naman ng OKC ang Minnesota Timberwolves para pag-agawan ang Number 8 sa Western Conference.
Sinumang mananalo sa dalawa ay otomatikong makakapasok na sa Playoffs, at makakalaban ang top-seeded na Denver Nuggets.