-- Advertisements --

Naka-buwena mano rin ng panalo ang New Orleans Pelicans makaraang i-masaker nila ang Brooklyn Nets, 99-68.

Kapwa umiskor ng 14 points sina E’Twaun Moore at Nickeil Alexander-Walker, na binuhat ang team kahit wala si Zion Williamson.

Maalalang umalis sa NBA bubble si Williamson noong nakaraang linggo at hindi pa tukoy sa ngayon kung kailan ito babalik.

Sakali namang bumalik na ito sa bubble, kinakailangan muna nitong sumailalim sa quarantine bago makasamang muli ng New Orleans.

Bagama’t nalimitahan lamang sa 11 minutong aksyon, naghatid si Brandon Ingram ng 12 points, dalawang assists at dalawang rebounds.

Sa kabilang panig, mayroong 11 points para sa Brooklyn si Dzanan Musa.