Nasilat ang isa sa top team ngayon sa NBA na Milwaukee Bucks matapos na hindi umubra sa New Orleans Pelicans, 126-131.
Nanguna sa opensa ng Pelicans si Lonzo Ball na may 27 points at walong assists para sa kanilang ikapitong panalo.
Tumulong din si Brandon Ingram na may 28 points, at ang bigman na si Zion Williamson ay nagdagdag ng 21 points.
Sa kampo naman ng Bucks muli na namang umeksena ang reigning MVP na si Giannis Antetokounmpo pero nasayang ang 38 points at 11 rebounds.
Ang dating Pelican na si Jrue Holiday ay may 22 points para sa Milwaukee na naghabol sa halos buong game na may double-digits na kalamangan ng New Orleans.
Sa ngayon napako sa 11 panalo at pitong talo ang Bucks.
Samantala, ang next game ng Bucks ay dadayo ito sa Charlotte sa Linggo.
Habang ang Pelicans naman ay host sa Houston.