-- Advertisements --
Pinahinto ng election commission ng India ang pagpapalabas ng pelikula patungkol sa buhay ni Prime Minister Narendra Modi.
Ito ay matapos na umani ng batikos mula sa mga oposisyon dahi sa nalalapit na halalan sa bansa.
Ayon sa commission na ang pelikula ay makakaapekto sa isang kandidato.
Tinanggal din nila ang mga posters ng nasabing pelikula.
Tinawag naman ng kampo ni Modi at ang ruling party nito na Bharatiya Janata Party bilang pagsupil sa kanilang karapatan ng malayang pagpapahayag.