-- Advertisements --
Hustler
Huslter cast

Ipinagbawal na ipalabas sa Malaysia ang pelikulang “Hustler” na pinagbibidahan ni Jennifer Lopez .

Ito ay dahil sa may mga maseselang eksena sa pelikula na hindi naaangkop sa tradisyon at paniniwala ng Malaysia.

Ayon sa film censorship ng bansa, makikita sa pelikula ang mga hubad na katawan, erotic dances at eksena kung saan ipinapakita ang droga na hindi naaangkop na ipalabas sa publiko.

Kasama rin sa pelikula ang rapper na si Cardi B, Constance Wu, Julia Stiles at Lizzo.

Patungkol sa grupo ng mga dancers ang pelikula na ipinapakita kung paano sila makipag-ugnayan sa mga mayayaman nilang kliyente.