Nagtabla ang pelikulang “Big Night” at “On the Job: The Missing 8” na tinanghal bilang best film ng 45th Gawad Urian.
Sa ginanap na awarding ceremony sa UPFI Film Center sa Quezon nitong gabi ay mayroong walong awards ang nakuha ng pelikulng “On The Job: The Missing 8” kabilang dito ang best actor award kay John Arcilla, best supporting actress kay Lotlot de Leon at best supporting actor para kay Dante Rivero.
Nakuha rin ng nasabing pelikula ang Best Director para kay Erik Matti at Best Screenplay para kay Michiko Yamamoto.
Nakuha naman ni Yen Santos ang best actress award para sa pelikulang “A Faraway Land”.
Nakuha naman ni Carlo Canlas Mendoza, ng Big Night! bilang Pinakamahusay na Sinematograpiya habang Pinakamahusay na Editing ay nakuha nina Gerone Centeno, Jay Altarejos, sa pelikulang “Walang Kasarian ang Digmang Bayan” at Jay Halili ng pelikulang ” On The Job: the Missing 8″.
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon ay nakuha ni Whammy Alcazaren para sa pelikulang ” Kun Maupay Man It Panahon”.
Pinakamahusay na musika ay nakuha nina Erwin Romulo, Malek Lopez, Arvin Nogueras sa pelikulang “On The Job: The Missing 8″ at Pinakamahusay na Tunog ay nakuha ni Corinne de San Jose para sa pelikulang ” On The Job: The Missing 8″.