Hindi na makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang pagbibidahan ni Kris Aquino.
Sa kaniyang social media account inanunsiyo nito na hindi na kasama ang kaniyang pelikulang “(K)ampon”.
Isa itinturong dahilan nito ay ang pabago-bagong pagpapalit ng mga cast na siyang paglabag sa patakaran na ipinapatupad ng organizer.
Nagpalit kasi ng bidang lalaki ang pelikula na mula sa dating si Derek Ramsay ay ipinalit si Gabby Concepcion.
Nitong Agosto 2 ay nagdesisiyon na umatras si Ramsay dahil naging prioridad nito ang kontrata sa TV network at noong Agosto 4 ay pumayag naman si Concepcion.
Itinakda ang deadline ng pagsumite ng mga pagbabago sa pelikula noong Hulyo 31.
Bagamat inamin ng TV host actress na nais niyang iapela ito subalit hindi na nito ginawa dahil mga kaibigan niya ang mga nasa MMFF at pinalaki itong may delikadeza.
Tiniyak naman nito na maipapalabas pa rin ang pelikula subalit hindi na makakasama sa MMFF.