-- Advertisements --

Inanunsiyo ng kilalang director na si Lav Diaz ang pagsama ng pelikula niya sa Venice Film Festival ngayong taon.

Ang pelikulang “Lahi Hayop” ay isa sa 19 na entries na napili para sa secondary Horizon.

May habang dalawang oras at tatlumpong minuto ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Bart Guingona, DMs Boongaling, Nanding Josef, Hazel Orencio, Joel Sarancho at Noel Sto. Domingo.

Hindi lamang ito ang unang beses na napabilang ang pelikula ni Diaz sa nasabing festival dahil noong 2008 ay nagwagi ang pelikula nitong “Melancholia” isang taon matapos ang makakuha ng special mention sa pelikulang “Death in the Land of Encantos”.

Taon 2016 ng magwagi rin ito sa nasabing festival sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Charo Santos.

Gaganapin ang film fesitval mula Setyembre 3 hanggang 12.