Nagwagi bilang best director sa Venice Film festival si Filipino filmmaker Lav Diaz.
Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang pelikulang “Lahi, Hayop (Genus, Pan)” sa Orizzonti section.
Ang nasabing pelikula a tumagal ng dalawang oras at 37 minuto.
Si Diaz din ang writer, editor at cinematographer ng nasabing pelikula.
Naging jury sa Orrizonti section ang French director na si Claire Denis habang sa main competition ay si Oscar winner Cate Blanchett na siya ring pangulo ng ng mga jurors.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagwagi si Diaz sa nasabing kompetisyon dahil noong September 10, 2016 ay nakuha nito ang Golden Lion Prize for best picture sa kaniyang pelikulang “The Woman Who Left” at nong 2008 ay nakuha nito ang Orizzonti Grand Prize sa pelikula nitong “Melancholia”.