Muling magbabalik sa Cannes Film Festival ang pelikula ni National Artist Nora Aunor noong 1980 na Bona.
Hindi lang ito basta-basta ipapalabas sa Cannes Classics Section dahil ito ay mapapanuod na nang mas makatotohanan matapos ang mahabang proseso ng 4K digital restoration sa France.
Nagsimula na ang ka-77 na edisyon ng Cannes nitong Martes at magtatapos naman sa May 25, 2024
Bukod dito ay nakatakda ring ipalabas ang digitally restored version ng pelikula sa US bilang bahagi ng pag-promote ng Asian films sa America.
Taong 1981 nang unang ipinalabas ang naturang pelikula sa Cannes International Film Festival Director’s Fortnight.
Dito naman sa Pilipinas ay pinag-aaralan pa ang posibleng pagbabalik nito sa silver screen.
Ang classic film na Bona ay unang ipinalabas sa Pilipinas noong 1980 bilang parte ng 6th Metro Manila Film Festival na idinerek din ng National Artist na si Lino Brocka.
Ito rin ang nagbigay kay Superstar Nora Aunor ng ikalawa niyang Best Actress award sa Gawad Urian.