-- Advertisements --

Inaasahang maidaragdag muli sa mga kikilalanin sa international film festivals ang bagong pelikula ng multi-awarded Filipino filmmaker na si Romm Burlat.

Una nang binigyang-pugay ang Pinoy director sa Gona Film Awards at Port Blair International Film Festival kaya naman excited ito para sa pinakabagong obra na pinamagatang “Minsa’y Isang Alitaptap.”

Bida sa nasabing pelikula ang mga dekalibreng aktor na sina Gina Pareño, Teresa Loyzaga at Ron Macapagal.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa direktor, sinabi nito na kaabang-abang ang mga ginawa nitong “twist” sa naturang family drama film.

“”Minsa’y Isang Alitaptap” is an unusual family drama which deals about relationships, separation, forgiveness and reunion. There’s a twist and turn, that’s why we call it unusual, because it’s not the usual family relationship that you will see,” ani Burlat.

Inamin din nito na hindi siya nahirapan sa paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya dahil na rin sa kooperasyon ng mga cast.