-- Advertisements --
Nakatakdang ipalabas ngayong buwan ang pelikula tungkol sa coronavirus.
Ang pelikulang “Corona: Fear is a Virus” ay ginawa ni Iranian film director Mostafa Keshvari.
Sinabi nito na sinimulan nitong gawin ang pelikula matapos ang outbreak sa China pero bago ang naganap na global pandemic.
Patungkol ang pelikula sa pitong katao na nakulong sa isang gusali kung saan hindi makalabas ang mga ito dahil sa virus.
Ayon naman sa film crtic na si Noah Gittel na dapat maipalabas na agad ang nasabing pelikula kahit na hirap ang mga tao na mai-proseso ang traumang naranasan.