-- Advertisements --

Humakot ng awards ang pelikulang “Anora” sa 97th Academy Awards.

Ang nasabing pelikula na gawa ng director na si Sean Baker ay nakapag-uwi ng limang awards kabilang ang best picture at best actress para kay Mikey Madison.

Naging host naman sa unang pagkakataon si Conan O’Brien kung saan binigyan din nilang pagkilala ang mga bumbero na lumaban sa naganap na wildfire sa Los Angeles.

Ilang beses na naantala ang nasabing awarding dahil sa naganap na wildfires noong Enero.

Ang pelikulang “Emilia Perez ” ay mayroong pinakamaraming nominations na mayroong 13 na sinundan ng “Wicked” at “The Brutalist” na mayroong tig-10 kada isa.

Tinanghal na best actor naman si Adrien Brody para sa pelikulang “The Brutalist”; Best Supporting actor si Kieran Culkin para sa pelikulang “A Real Pain”; best supporting actress naman si Zoe Saldana para sa pelikulang “Emilia Perez” at Best director naman si Sean Baker ng pelikulang “Anora”.

Narito pa ang ilang mga nagwagi- Best Cinematography sa pelikulang “The Brutalist”; Best International Film- “I’m Still Here”; best adapted screenplay para sa pelikulang “Conclave” ; best original screenplay para sa pelikulang “Anora”; best live action short film para sa pelikulang “I’m Not a Robot”; Best animated short film para sa pelikulang ” In The shadow of the Cypress”; best animated film ay nakuha naman ng pelikulang “Flow” ; best documentary shot ang “The Only Girl in the Orchestra”; Best documentary feature film ay nakuha ng pelikulang “No Other Land”; Best original song nakuha ng “El Mal” mula sa pelikulang “Emilia Perez”.

Best original score ang pelikulang “The Brutalist”; best makeup and hairstyling sa pelikulang “The Substance”; best costume design sa pelikulang “Wicked” ; Best editing para sa pelikulang “Anora” ; Best Sound para sa pelikulang “Dune: Part Two”; Best Production design ng pelikulang “Wicked” at Best Visual Effects ng pelikulang “Dune: Part Two”.