-- Advertisements --
Ipinagbawal na ipalabas sa Algeria ang pelikulang Barbie.
Ayon sa culture ministry ng nasabing bansa na ang pelikula ay nagsusulong umano ng homosexuality na labag sa religious at cultura beliefs.
Ipinalabas ang nasabing pelikula ng tatlong linggo sa Algiers, Oran at Constantine kung saan ito ay dinagsa ng mga manonood.
Una ng ipinagbawal ang pelikula sa Kuwait at ilang mga Arab Countries dahil sa paglabag umano sa paniniwala nila.
Magugunitang mula ng ipalabas ang nasabing pelikula ay nakalikom na ito ng mahigit $1-bilyon na kita sa buong mundo.