-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ang pelikulang “Barbie”.
Ito ay matapos na kumita ng mahigit $1.03 bilyon sa global box office.
Naitala rin ng director ng pelikula na si Greta Gerwig ang unang solong babae na director na kumita ng bilyon-dollar movie.
Sinabi naman ng producer ng pelikula na si Margot Robbie na hindi ito nagkamali sa kaniyang hula na kikita ng bilyong dolyar ang nasabing pelikula.