-- Advertisements --

Pinagbawalang ipalabas sa Lebanon ang pelikulang “Barbie”.

Ayon kay Culture Minister Mohammad Mortada na ang nasabing pelikula kasi ay nagsusulong ng homosexually na lumalabag sa kaugalian ng kanilang bansa.

Dagdag pa nito na mahigpit ang batas sa kanilang bansa laban sa anumang sumisira ng kanilang religious values at prinsipyo ng Lebanon.

Nauna ng ipinagbawalan ng Kuwait na ipalabas sa kanilang bansa ang nasabing pelikula.