-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – “Gawang GenSan, gawa ng taga-GenSan.”

Ito ang ipinagmamalaki ng cast ng indie film na “Garbo” na nagwagi sa International Film Festival Manhattan 2020 sa New York City.

Ayon kay Rain Ramas, miyembro ng cast, 2015 pa nabuo ang naturang pelikula subalit inayos at pinaganda para maging kwalipikado sa naturang international film festival.

Kaya ganun na lang aniya ang kanilang kasiyahan nang marinig ang magandang balitang nanalo sila bilang Independent Achievement Awardee sa pamosong award-giving body.

Ibig sabihin, nakagawa ng maganda at maipagmamalaking pelikula kahit maliit lamang ang budget.

Ang pelikulang “Garbo” ay isang simpleng kuwento kung saan sinasabing mapaglaro ang buhay subalit sa kabila ng mga pagsubok isang magandang bagay naman ang kapalit nito.

Ang casts ng pelikulang “Garbo” ay mga taga-Gensan kung saan sa siyduad rin ginawa sa direksyon ni Alan Filoteo.

Dahil sa pandemic magiging virtual ang awarding sa naturang film festival.