-- Advertisements --

Nagpasya na producer ng pelikulang Mulan na kanselahan na ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Walt Disney CEO Bob Chapek, ipapalabas na lamang ang nasabing pelikula sa mga cable TV na mayroong Disney channel.

Magsisimula ang nasabing pagpapalabas ng pelikula sa Setyembre 4.

Dagdag pa ni Chapek na isa itong pagkakataon para lumawak pa ang kanilang audience dahil sa pagsasara ng mga sinehan.