Nanguna ang pelikulang “The Power of the Dog” sa dami ng mga nominasyon sa Academy Awards ngayong taon.
Mayroong 12 nominasyon ang nasabing pelikula na gawa ng Netflix kabilang ang major awards.
Sinundan ito ng science-fiction epic na “Dune” na mayroong 10 nominations.
Ilang mga nominado sa best picture category ay kinabibilangan ng Japanese drama na “Drive My Car”, “King Richard” na tungkol sa ama ng magkapatid na sina Serena at Venus Williams at ang remake ng “West Side Story” ni Steven Spielberg.
Maglalaban naman sa best actor categories ay sina: Javier Bardem – “Being the Ricardos”; Benedict Cumberbatch – “The Power of the Dog” ; Andrew Garfield – “tick, tick…BOOM!”; Will Smith – “King Richard” at Denzel Washington – “The Tragedy of Macbeth”.
Habang sa best actress categories naman ay ay sina Jessica Chastain sa pelikulang “The Eyes of Tammy Faye”; Olivia Coleman – “The Lost Daughter”; Penelope Cruz – “Parallel Mothers”; Nicole Kidman – “Being the Ricardos” at Kristen Stewart – “Spencer”.
Gaganapin ang 94th Academy Awards o Oscars Award sa Marso 27.