BAGUIO CITY – Muling kinilala sa Gawad Urian 2020 bilang Best Short Film ang pelikulang “Tokwifi” na una na ring nagwagi bilang Best Film sa virtual Cinemalaya ngayong taon.
Sa naging exclusive interview ng Star FM Baguio sa Ilocana-Tagalog filmmaker na si Carla Pulido Ocampo, inamin nitong masaya siya sa mga natatanggap na parangal para sa kanyang obra at thankful ito na nabibigyan ng pagkilala ang isang pelikulang gawa sa Cordillera.
“Sobrang laki nito for our small film. Bihirang-bihira na napapansin on the national stage ang mga kwento from the Cordilleras. Malaking-malaking bagay ito para sa amin.”
Ipinagmalaki rin nito na kahit may krisis na kinakaharap ang mundo ay nakapagbibigay pa rin ang kanilang mga obra ng pag-asa at inspirasyon sa mga Pilipino. May mensahe rin naman ang Bontoc-based filmmaker sa mga batang direktor at sa mga nagnanais maging matagumpay sa kanilang industriya.
“Somehow, nagbibigay ng comfort itong mga pelikula namin [sa panahon ngayon]. Hindi masama na maghintay sila for their right time. It takes maturity talaga eh. Take one step at a time.”