Masayang inanunsiyo ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño, na nanalo ng Special Jury Award sa 76th Venice Film Festival ang pelikulang “Verdict”.
Ang crime-drama na pelikula ay pinagbibidahan nina Max Eigenmann, Jorden Suan, Rene Durian at ang pumanaw na si Kristoffer King.
Ito lamang ang tanging pelikula mula sa Southeast Asia na nakapasok sa sikat na film festival ngayong taon.
Ipapalabas ang nasabing pelikula sa 44th Toronto International Film Festival (TIFF) sa Toronto, Canada.
Kabilang ang nasabing pelikula na ipapalabas sa piling sinihan sa Pista ng Pelikulang Pilipino Festival na nagsimula na at matatapos hanggang Setyembre 19.
Nagkaroon din ito ng positive reviews mula sa international press, kabilang ang Screen Daily, the Hollywood Reporter at Variety.