-- Advertisements --
Magiging pambato sa 92nd Academy Awards o kilalang Oscars Awards ang pelikulang Pilipino na “Verdict”.
Ito ay matapos na mapili ng mga jury na pinangunahan ng director na si Jose Carreon, kabilang ang Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ni Liza Diño at actor-producer Joel Torre at iba pa.
Ang pelikula ay patungkol sa inabusong asawang babae na humihingi ng hustisya na pinagbibidahan nina Max Eigenmann at ang pumanaw na si Kristoffer King.
Kasama ang pelikula na ipinalabas sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.