NAGA CITY – Naging payapa at matagumpay ang ginawang Peñafrancia de Mayo fluvial procession sa lungsod ng Naga.
Ito’y sa kabila ng naramdamang malakas na pag-uulan na may kasamang kulog at kidlat na dala ng localized thunderstorm.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay ENS Bernard Pagador Jr., station commander kan Philippine Caost Guard (PCG)-Camarines Sur, sinabi nitong “generally peacefull” ang kabuuang aktibidad kung saan wala silang naitalang mga untoward incidents lalo na sa mga bangka at mga sakay nito.
Ayon kay Pagador, nagkaproblema lamang aniya sila dahil bagama’t naramdaman ang malakas na ulan, ngunit sinabayan ito ng low tide kung kaya naghintay muna silang tumaas ang lebel ng tubig para hindi sumadsad ang pagoda.
Tinatayang aabot sa 200 na mga kababaehan ang sakay ng naturang pagoda kasama ang imahe ni Nuestra Señora de Peñafrancia na ipinuprusisyon mula sa Naga City People’s Mall (NCPM) patungong Basilica Menore sa pamamagitan ng Naga river na tumagal ng humigit kumulang sa dalawang oras.
Sa kabilang dako, naging mahigpit naman ang ginawang security measures ng kapulisan lalo na sa mga taong nanunuod sa nasabing aktibidad.
Sa Peñafrancia de Mayo, mapapansin na mga kababaehan ang kasama sa pagoda habang kung dumarating naman ang Peñafrancia fluvial procession sa kapistahan nito tuwing buwan ng Setyembre, tanging mga lalaki lamang ang sumasabay sa pagoda.