KALIBO, Aklan—Mainit na sinalubong ang mga Aklanon athletes na sumabak sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia sa pag-uwi ng mga ito sa lalawigan ng Aklan.
Ang magpinsan na kapwa nakasungkit ng bronze medal na sina Shara Julia Jizmundo at Zandro Fred Jizmundo Jr. ay kabilang sa Philippine team sa pencak silat at kun bokator.
Kabuuang 28 na atleta ang sumabak sa SEA Games kung saan, sa nasabing bilang ay lima ang mula sa Aklan na kinabibilangan ni Padios, magpinsang Jizmundo, Hanna Mae Ibutnande at Jasper Jay Lachica.
Kaugnay nito, ikinatuwa ni Freddie Jizmundo Jr., head ng national team coaching staff na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Aklan ay humakot sila ng maraming medalya na kinabibilangan ng isang gold at dalawang bronze medals habang sa kun bokator ay isang silver at dalawang bronze medals naman sa pencak silat.
Pinaka-sekreto aniya nila sa paghubog ng mga atleta ay ang disiplina habang nasa grassroots level pa lamang.
Ang nasabing mga atleta ay pinarangalan ng kani-kanilang paaralan dahil sa pagbibigay karangalan ag naging inspirasyon ng kapwa mag-aaral.