Naging sentro sa vice presidential debate nina Vice President Mike Pence at Senator Kamala Harris ang isyu sa pagiging iresponsable umano ni US President Donald Trump sa pagtugon sa coronavirus disease na nagresulta sa pagtaas ng bilang ng mga staff sa White House na nagpositibo sa deadly virus.
Tinawag ni Harris na “greatest failure of any presidential administration” ang ginawa ni Trump na paglabas sa military hospital upang kawayan ang kaniyang mga supporters at ang pagbalik nito sa White House kahit hindi pa nakakarekober sa virus kung saan tinanggal pa ang kaniyang face mask.
Ayon kay Harris, nasaksihan ng mamamayan ng Amerika ang kapabayaan na ginawa ng Republican President sa buong kasaysayan ng kanilang bansa.
Inakusahan pa nito si Pence at running mate ni Trump na itinatago ang katotohanan sa hinaharap na pandemya ng kanilang mamamayan.
“How Donald Trump and Mike Pence handled the coronavirus crisis is the greatest failure of any American presidency,” ani Harris. “Over 210,000 Americans have died. Over 7 million have contracted this disease. Nearly 30 million have filed for unemployment. One in five businesses are at risk of closing. And this administration still doesn’t have a plan.”
Sinagot naman na isang “plagiarism joke” ni Pence ang tanong tungkol sa kabiguan ng administration sa pagtugon sa coronavirus pandemic.
Pinaratangan din nito ang kampo ni Harris na “ninakaw” daw nila ang plano ni Trump upang labanan ang virus.
Aniya, ginawa ni Pres. Trump ang hindi nagawa ng ibang pangulo ng Amerika at iyon ay ang pagsuspinde nito sa kaniyang mga biyahe patungong China kung saan unang kumalat ang COVID-19.
Hirit pa nito, ginagaya raw ng kampo ni Democratic nominee Joe Biden ang preparasyon ng Trump administration sa pagharap sa COVID pandemic.
Tulad na lamang daw ng advance testing, paggawa ng bagong personal protective equipment (PPE), pag-develop ng bakuna at iba pa.
“When you say what the American people have done over these last eight months hasn’t worked, that’s a great disservice to the sacrifices the American people have made,” depensa pa ng vice president. “The reality is, Dr. Fauci said everything that he told the president in the Oval Office the president told the American people.”