-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pennsylvania Governor Josh Shapiro na ilagay sa half-mast ang lahat ng bandila ng US at commonwealth flags sa kanilang mga public buildings at commonwealth facilities.

Kasunod ito sa naganap na tangkang pamamaril kay US President Donald Trump.

Nagpapaabot din ito ng pagdarasal sa mga biktima ng pamamaril na kanilang kababayan.

Magugunitang nasawi si Corey Comperatore dahil tinakpan niya ang kaniyang pamilya kaya tinamaan siya ng bala habang mayroong dalawa pang biktima ang nasa kritikal na kondisyon.