-- Advertisements --

Tuluyan ng sinirpitikahan ng mga otoridad sa Pennsylvania si Democratic presidential candidate Joe Biden bilang panalo sa nakaraang November 3 election laban kay President Donald Trump.

Sinabi ni Pennsylvania Governor Tom Wolf na kaniyang na-pirmahan ang Certificate of Ascertainment sa nagdaang halalan.

Dagdag pa nito na magiging wala ng kuwenta ang pagkuwestiyion ng kampo ni Trump sa resulta ng halalan.

Ang nasabing hakbang ay isinasagawa matapos ang pag-anunsiyo ng Board of State Canvassers ng Michigan na panalo si Biden sa nasabing halalan.