-- Advertisements --

Binasura ng judge sa Pennsylvania ang kasong inihain ng kampo ni US President Donald Trump na humihingi ng pagsawalang bisa sa millions mail-in votes sa katatapos lamang na halalan.

Sinabi ni Judge Matthew Brann, na ang nasabing kaso ay walang “merit”.

Dahil dito ay nakatakda ng icertify ng nasabing estado na panalo ang si Democrats president-elect Joe Biden.

Mayroon kasing mahigit 80,000 votes ang lamang ni Biden sa nasabing estado laban kay Trump.

Nakasaad pa sa desisyon ni Brann na nais ni Trump na i-disenfranchise ang hlaos pitong milyong boto sa nasabing estado.

Kinontra naman ng kampo ni Trump ang nasabing desisyon ni Brann dahil nilabag umano nito ang US Constitution.