Inaasahang maibibigay na ng Social Security System (SSS) ang mga pension at 13th month pay ng mga pensioners sa unang linggo ng buwan ng Disyembre.
Ayon kay SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio, maglalabas ang kompaniya ng nasa P27.5 billion para sa mga pensions ng kabuuang 3.14 million pensioners.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na aniya sila sa kanilang partners bank para sa pamimigay ng pensions sa unang linggo ng Disyembre upang matanggap na ng mga pensioners at magamit ngayong holiday season.
Ang mga pensioners na matatanggap ng mga pensioners na may disbursement account sa non-PESONet participating bank ang kanilang pension para sa buwan ng Disyembre at 13th month pensions ng hindi lalagpas sa DEcember 4, 2021.
Para naman sa mga pensioners na may disbursement account sa participating bank sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), e-wallet o remittance transfer company ay matatanggap ang kanilang pensions sa December 1 para sa mga may date of contingency mula December 1 to 15 habang ang mga pensioners na may date of contingency mula December 16 hanggang 31 ng December o nakapag-avail ng advance 18th month pensions ay makakatanggap sa December 4.