Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na mas madalas nang makukuha ng mga senior citizen sa Pilipinas ang kanilang social pension.
Ito ay matapos ang inilabas na Memorandum Circular ng ahensya kung saan ay hindi na pahihintulutan ang semestral payment para sa mga pensyon ng mga seniors.
Nakapaloob sa naturang kautusan na maaaring mai-release ang pensyon sa ikalawa at ikatlong bahagi ng buwan.
Ayon sa DSWD, exempted ang buwanang pagre release ng social pension para sa mga senior namamalagi sa malalayong lugar.
Kabilang na dito ang lugar na nasa ilalim ng state of calamity at may mga kaso ng armed conflict.
Paliwanag ng ahensya, ang social pension ay tulong ng pamahalaan para sa mga senior sa ilalim ng “Expanded Senior Citizens Act of 2010”.
Tulong ito para sa pang-araw-araw na mga gastusin at pangangailangan ng mga senior sa bansa.