-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Pentagon deputy inspector general Glenn Fine.
Pormal na isinumite nito ang kaniyang resignation matapos ang mahgit isang buwan ng tanggalin siya ni US President Donald Trump bilang chairman ng Pandemic Response Accountability Committee.
Ang nasabing committee ay siyang independent watchdog na hinirang na tumingin sa $2 trillion emergency coronavirus funding.
Tinanggal rin siya ni Trump biang acting general kaya siya ay hinikayat na magbitiw sa puwesto.
Sinabi ni Defense Department Principal Deputy Inspector General spokesperson Dwrena Allen na magiging epektibo ang kaniyang pagbibitiw sa Hunyo 1.