Inihahanda na ng US Defense Department ang mahigit $567 million na security aid para sa Taiwan
Batay sa inilabas na report ng Pentagon, naaprubahan na ang naturang halaga at naghihintay na lamang ng lagda ni US Pres. Joe Biden.
Nakapaloob sa mahigit kalahating bilyong security package ay ang mga military drones, anti-armor weapons, military stockpiles, air defense,“multi-domain awareness”. Kalakip din nito ang training para sa paggamit sa mga ito.
Ang naturang military deal ay maliban pa sa $228 million aircraft spare parts na inanunsyo ng Pentagon ngayong linggo.
Noong buwan ng Abril, inaprubahan ng US Congress ang $1.9 billion na arms stock sa mga bansa sa Indo Pacific kung saan pinakamalaki rito ay mapupunta sa Taiwan.
Sa ilalim ng pamumuno ni US Pres Joe Biden, 16 na beses nang naglabas ito ng arms deal para sa Taiwan.